Sino ang Owner ng Sabong?
Narinig mo na ba ang online sabong? Oo, tila umiiral ito at para sa mga hindi nakakaalam, si Charlie “Atong” ang nagmamay-ari ng isa sa mga platform na legal na pinapayagang mag-operate ng online sabong o e-sabong. Ang pagtaya sa sabong ay legal talaga sa Pilipinas! Ngunit sa mga paghihigpit sa COVID-19, naging e-sabong o online sabong ang ganitong uri ng sport dahil hindi pa pinapayagan ang mga sabong.
Inanunsyo ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea Domingo na mayroon lamang dalawang kumpanya na kasalukuyang pinapayagang legal na mag-operate ng e-sabong o online sabong: Lucky 8 Starquest na pag-aari ni Atong Ang at Belvedere Corp na pag-aari ni Bong Pineda. Ang mga icon ng pasugalan ay legal na nakapagpatakbo ng online “sabong” o mga kumpanya ng sabong matapos bayaran ang Php75-million performance bond na itinakda ng PAGCOR. Tatlong iba pang kumpanya ang sinubukang mag-apply para sa isang lisensya ngunit nabigong magbayad para sa performance bond: Oriental Capital Venture, Encuentro, at Magnus. Bagama’t mukhang hindi lumalabag sa batas ang mga kumpanyang ito, sinabi ng PAGCOR chairman na nakakita sila ng dalawang ilegal na e-sabong operator na tumatanggap ng online na taya nang walang lisensya: sabonginternational.com at kingsportslive.com.
Ayon kay Domingo, ang mga ilegal na sabong website ay pinatatakbo ng mga kongresista, ngunit hindi pinangalanan ang nasabing mga pulitiko o kung saan sila nanggaling. Ang E-Sabong Licensing Department (ESLD) ng PAGCOR ang humahawak sa pagproseso at pag-iisyu ng mga lisensya para sa mga operasyon ng e-sabong at mga kaugnay na gawain para sa off-site na pagtaya sa mga live na laban sa sabong at online/remote streaming na aktibidad.
Ang Sabong sa totoong buhay ay nagdadala ng malaking pera kaya ano pa ang mayroon ang isang online na pagtaya kung walang limitasyon sa laki at espasyo at presensya. Mismong si Ang ang nagbunyag na ang kanyang e-sabong company ay kumikita ng humigit-kumulang P3 Billion na komisyon kada buwan dahil ang kanyang kumpanya, ang Lucky 8 Star Quest Inc., ay isa sa mga akusado na online sabong company na posibleng nasa likod ng pagkawala ng mga ‘sabungero’. Ipinatawag siya sa pagdinig ng senado hinggil sa kontrobersiya kung saan inamin niyang tumanggap sila ng hanggang P2 bilyong halaga ng taya kada araw, o kabuuang P60 bilyon kada buwan. Ito ay isang whooping P60 billion per month na pumapasok ngunit ang actual earnings aniya ay 5% lang, which is still a very big one with P3 billion per month more or less.
Sinabi ni Ang na ang P3 Billion ay hindi napupunta sa kanyang bulsa ngunit humigit-kumulang P2.5 bilyon nito ay napupunta sa kanilang mga ahente at ang iba pang 1% ng mga komisyon ay napupunta sa mga gastos ng kumpanya. With calculations minus all those expenses, humigit-kumulang P900 milyon ang natitira sa kanya. Ang P1 Million sa isang buwan ay isa nang pangarap ng bawat empleyado, 900 beses pa kaya na wala sa mundong ito.