wpc online sabong

Live: WPC 2022 Online Sabong

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na nakikipagtulungan sila ngayon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, lalo na sa mga may tungkuling may kinalaman sa information and communications technology, sa paghabol sa mga e-sabong (online cockfighting) operators. “Kasali rito ang teknolohiya kaya ang pagmomonitor o pagpapatrolya ay maaaring i-handle ng DICT (Department of Information and Communications Technology), NTC (National Telecommunications Commission). Dapat nilang tulungan ang lahat ng law enforcement agencies para matukoy natin kung sino ang nasa likod ng mga e-sabong operations na ito,” sabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa magkahalong Ingles at Filipino sa presser sa Camp Crame, Quezon City. Sinabi ni Azurin na ang PNP ay bahagi ng isang inter-agency body na pinamumunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang matiyak ang pagsunod sa pagsususpinde ng e-sabong operations. “Dahil sa teknolohiya, lahat ay kayang makalaro at pusta.

        Maraming buhay ang nasisira sa e-sabong na ito at kami ay nakikiusap sa lahat na huwag itong tangkilikin dahil lalo lang tayong maghihirap. Pinapayaman lang natin ang mga operator at dapat tumulong ang barangay sa PNP para matigil ito,” dagdag pa nito. Sinabi naman ni Azurin na 18 katao ang inaresto sa lalawigan ng Cebu bilang pagsunod sa Executive Order (EO) 9 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr noong Disyembre ng nakaraang taon. Sa Lapu-Lapu City sa Cebu, may kabuuang 17 katao ang inaresto sa Barangay Ibo noong Enero 13 habang nakikisali sa mga ilegal na laro ng sabong na live stream sa pamamagitan ng mobile phone apps. Sinabi ni Azurin na isa pang hinihinalang e-sabong operator ang naaresto sa Barangay Bugho sa San Fernando, Cebu ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit 7. “Pitong iba pang suspek na sangkot sa e-sabong operation na iyon ang nakaiwas sa pag-aresto. Nakuha ng arresting team ang iba’t ibang electronic equipment na ginagamit sa livestreaming ng mga laro ng sabong, at mga cash bet,” aniya. Sa ilalim ng EO 9, sususpindihin ang livestreaming o pagsasahimpapawid ng mga live na sabong sa labas ng mga sabungan o arena ng sabong o lugar kung saan ginaganap ang sabong. Itinigil ng mga malalaking operator ng e-sabong ang kanilang operasyon. Gayunpaman, maraming maliliit na grupo at indibidwal ang patuloy na gumagamit ng online na platform para sa pagtaya sa sabong. Sa ngayon, nagsampa na ng kaso ang Criminal Investigation and Detection Group laban sa hindi bababa sa 15 personalidad kaugnay ng mga nawawalang e-sabong aficionados.

WPC 2027 Online Sabong

Similar Posts