Paano nga ba makalog in sa WPC Online Sabong?
Nagsimulang pumatok ang WPC Online Sabong noong 2020 at naging matunog ito noong panahon ng pandemya. Halos lahat ng kalalakihan sa Pilipinas ay nahumaling dito. Naging libangan ito sa karamihan ngunit naging bisyo naman ito sa iba. Nakikipagsapalaran ang mga mananaya sa pagpusta ng pera sa bawat laban ng 2 manok. Meron o Wala ang kanilang tinatayaan upang manalo. Gaya nga rin ng ibang sugal ay swertihan lamang ang panalo sa sabong. Naging alternatibong paraan ang online sabong upang maisalba at makaahon ulit ito. Binigyan ito ng lisensya at naging legal ito sa maikling panahon. Panandaliang panahon lamang ang tinagal ng online sabong dahil napatigil din ito noong panahon ni Pangulong Duterte. Ang WPC Online Sabong ay mas pinadali at pinabilis na bagong bersyon ng sabong.
Marami rin ang nagtatanong kung paano nga ba makalog in dito at magkaroon ng sariling account. Ang WPC Online Sabong ay may ibat – ibang website na inooperate. Karamihan ng mga ito ay iisang kumpanya lamang ang may hawak. Madali at mabilis ang paglalog in at pagkakaroon ng sariling account dito. Bago ka makalog in ay may hihingiin muna sayong mga ilang personal na impormasyon tulad ng username, password, name, contact number at facebook. Kailangan mo itong sagutan upang magawa ang susunod na hakbang. Sunod ay pipili ka rin muna ng isang legal at lisensyadong website na kung saan may isang agent na mag aassist sayo. Kailangan niyo munang mag usap ng agent kung paano ang magiging takbo ng laro. Kapag ok na ang lahat at nagkasundo na kayo ng agent ay may ibibigay siya sayo na isang link. Dito papasok ang mga personal na impormasyon na kailangan mong ibigay. Kailangan mo rin ipaactivate ang iyong account upang ito ay magamit mo. Kapag ito ay nagawa mo na lahat ay maaari ka ng makalog in at makanood ng mga live sa kahit na anong oras. Kailangan mong ingatan at tandaan ang username at password na iyong niregister. Gamit ang gcash at bank account ay maaari kang makapusta at makataya dito. Kailangan mo lang magkaroon ng minimum bet upang makataya sa online. Noong 2022 muling napatigil ang online sabong dahil na rin sa mga negatibong balita na kinasasangkutan nito. Marami na rin ang nalulong at nabaon sa utang dahil sa online sabong. Mas pinili ni Pangulong Duterte na ipatigil na rin ito para na rin sa ikabubuti ng iilang kababayan natin. Ang WPC Online Sabong ay isang uri ng sugal na kung saan malaki ang posibilidad na ikaw ay manalo at matalo.