Ano nga ba ang WPC Online Sabong?
Noong unang panahon nauso ang sabong dito sa ating bansa. Ang paglalaban ng 2 manok ay naging tradition na sa atin. Hindi nagtagal ang dating naging tradition ay nauwi sa sugal. Dito pinaglalaban ang 2 manok, tatayaan o pupustahan naman ng mga manonood ang 2 manok. Meron o Wala lang ang pagpipilian ng mga mananaya. Simula noong nauso ang pagpusta o pagtaya sa mga manok ay hindi na ito naging legal. Araw – araw binibisita ng mga pulis ang iilang mga sabungan sa atin. Hindi naging legal ang sabong dito sa Pilipinas kung kaya’t gumawa sila ng ibang paraan upang maiahon pa ang sabong dito sa ating bansa. Noong 2020 naging matunog sa mga pinoy ang WPC Online Sabong. Mas tinangkilik ito ng nakakarami dahil na rin sa dali nitong gamitin at mabilis rin palaguin ang pera. Ngunit ano nga ba ang WPC Online Sabong?
Ang World Pitmasters Cup o WPC ay isang uri ng online sabong. Dito naglalive ang mga operator ng bawat website. Bawat website sa online sabong ay may kanya – kanyang agent. Ang agent ang nagpapaliwanag at kumukumbinsi sa mga positive players ng sabong. Legal ito at binigyan nang lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporations o PAGCOR. Mas pinabilis at pinadali ng WPC Online sabong ang pagtaya at pagpusta ng mga sabungero. Hindi na sila obligadong pumunta sa sabungan upang makapusta. Kailangan mo lamang maghanap ng legit na agent upang matulungan ka sa pag register ng iyong account. Ang agent ang magpapaliwanag sayo kung paano ka makakataya at makakapanood dito. Maraming link o website ang WPC Online Sabong. Maaari mo itong panoorin kahit ikaw ay nasa bahay lamang. Trabaho ng WPC Online Sabong na maglive ito man ay pang publiko o pribado. Pumatok ang WPC Online Sabong noong panahon ng pandemya. Karamihan sa mga nahumaling dito ay ang mga kalalakihan. Bawat laban dito ay may kanya – kanyang schedule ng oras at araw. Kung ito naman ay nalagpasan at nakalimutan niyong panoorin ay maaari niyo ulit itong panoorin sa kanilang official website o youtube. Mapapanood niyo dito ang buong laban ng bawat manok. Kada laban ng mga manok ay may kanya – kanyang set. Kung kayo ay baguhan lamang sa online sabong ay maaari niyo munang pag aralan ang takbo ng laro upang hindi kayo maloko. Ngayong 2023 tuluyan ng napatigil ang online sabong sa buong Pilipinas. Marami ang nadismaya sa balitang ito ngunit mas marami naman ang natuwa tulad na lang ng ilang pamilya na nabaon sa utang dahil sa online sabong.