WPC 2023 Online Sabong
Isa ang sabong sa mga kilalang sugal dito sa Pilipinas. Noong araw marami ang dumadayo sa sabungan upang manood at makataya sa 2 manok na pinaglalaban. Meron at Wala ang pinagpipilian ng mga mananaya sa bawat laban ng mga manok. Hindi naging legal ang sabong sa ating bansa kung kaya’t pinasara ang mga ito at pinatigil ang mga operasyon. Noong 2020 nilabas at pinakilala nila sa mga tao ang online sabong. Pumatok at tinangkilik ito ng mga pinoy lalo na sa mga kalalakihan. Maraming links ng website ang inihanda nila para sa mga mananaya. Mas pinabilis at pinadali ang mga transakyon sa online sabong. Karamihan sa mga ito ay nabigyan ng lisensya upang makapag operate at makapaglive online. Kinailangan nilang kumuha ng lisensya sa PAGCOR upang maging legal at makapag operate.
Ang WPC Online Sabong ay isa sa mga naging legal at nabigyan ng lisensya upang makapaglive online. Marami silang mga links ng website na maaaring niyong mapanooran. Isa sa mga ito ay ang WPC 2023 Online Sabong. Ito ay isang uri ng website na naglalive online upang makataya ang mga manonood. Araw – araw ay may schedule at naka set ang bawat laban ng mga manok. Bawat laban ay may kanya – kanyang oras. Umaabot sa isang daan mahigit ang laban bawat araw. Ang WPC 2023 Live ay pag mamay ari ng Belvedere Vista Corporation. Kasama nito ang iba pang website tulad ng WPC 2022, WPC 2025, WPC 2026, WPC 2027, WPC 2028, WPC 2029 at marami pang iba. Naging legal ang mga ito sa maikling panahon lamang. Kasabay ng pandemya, dito nagsimulang makilala ang online sabong. Sa kawalan ng mga libangan at mga trabaho noong pandemic marami sa atin ang sumubok sa sugal na ito. Ginawa nila itong pangpalipas oras at ang iba naman ay pinagkunan ito ng pang gastos araw – araw. Sa mundo ng sugal walang kasiguraduhan ang pagkapanalo dito. Kadalasan sa mga mananaya ay umuuwi ding talunan. Marami din ang naging negatibong epekto nito sa mga tao. Ang iba ay nalulong sa sugal na ito at ang iba naman ay nalubog sa utang. Marami rin ang naging negatibong balita sa online sabong kung kayat napagdesisyonan na ni Pangulong Duterte na ipatigil na ang mga ito. Marami ang nadismaya sa balitang ito ngunit ginawa ito para sa ikabubuti na rin ng mga Pilipino. Kung nais niyong panoorin ang mga nagdaang laban ay maaari kayong bumisita sa youtube at kanilang mga website. Mapapanood niyo dito ng buo ang mga nagdaang live at mga laban.