wpc online sabong

Ano nga ba ang WPC 2027 Online Sabong?

         Noong araw nagkalat ang mga sabungan dito sa ating bansa. Pumatok ito sa mga pinoy lalong lalo na sa mga kalalakihan. Mabilis ang paglago ng pera dito ngunit dahil ito nga ay isang uri ng sugal kadalasan din naman ay mas marami ang umuuwing talunan. Hindi naging legal ang sabong dito sa ating bansa. Ang mga sabungan ay madalas iraid ng ating mga kapulisan. Noong mga nakaraang taon tuluyan ng napatigil ang operasyon ng mga sabungan dito sa ating bansa. Kumilos ang liderato ng World Pitmasters Cup (WPC) upang sagipin ang gamefowl breeders mula sa matinding pagkalugi. Dito sinimulan ang pag oonline sabong o paglalive ng laban sa isang sabungan. Marami ang sumulpot na online sabong dito sa ating bansa at isa na dito ang WPC 2027 Online Sabong. Nais naman nito na ibangon ang naapektuhang sport na cockfighting sa pamamagitan ng paglalive at pag oonline ng mga laban sa sabungan. 

Para sa ibang mga mananaya ay mas pabor sila sa online sabong dahil ito ay mas pinabilis at pinadaling bersyon ng sabong. Mabilis ang pagtaya o pagpusta sa mga manok gamit lamang ang gcash at bank account. Maraming mga bersyon ang online sabong isa na nga dito ay ang WPC 2027 Online Sabong. Binigyan sila ng lisensya ng PAGCOR upang makapag operate ng online sabong. Sa panandaliang panahon ay nasulit naman ito ng mga manlalaro ng sabong. Hindi ito naging legal ng matagal. Kinailangan din itong ipatigil ni Pangulong Duterte noong mga nakaraang taon. Marami din kasi ang naiulat na mga negatibong balita tungkol sa online sabong kung kaya’t napagpasyahan itong ipatigil at ipasara. Marami ang nalungkot o nadismaya sa pagkawala ng mga tupada o online sabong dito sa ating bansa. Ginawa na rin kasi itong libangan at pinagkukunan din ito ng mga pang araw araw na pang gastos. Dahil nga mabilis ang paglaki o paglago ng pera dito ay marami ang nakipagsapalaran upang tumaya dito. Dahil sa labis na pagkahumaling ng mga Pilipino marami din sa ating kababayan ang nalulong at nabaon sa utang ng dahil sa sabong. Kung nais niyo pang magkaroon ng idea tungkol sa WPC 2027 Online Sabong ay maaari kayong magresearch o di kaya naman ay panoorin niyo ang mga nagdaang live o laban na kanilang pinalabas. Maaari niyo itong mapanood ng buo sa youtube. Maraming laban ang nagaganap sa isang araw. Bawat laban ay may iba’t – ibang set. Sa loob ng 24 oras ay umaabot ng ilang daan ang laban na pinapalabas dito.

WPC 2027 Online Sabong

 

Similar Posts