WPC Online Sabong Live Streaming
Sikat at patok na sa ating bansa ang pag lalive streaming ng iilan nating mga kababayan. Iilang halimbawa dito ay ang paglalive streaming ng mga online games at online sabong. Pag uusapan natin ngayon kung paano at saan nga ba maaaring makapanood ng mga live streaming sa online sabong. Noong panahon ng pandemya mas nakilala at naging matunog ang online sabong dito sa Pilipinas. Dito nagsimula manood at mahumaling ang mga kapwa natin pinoy. Bukod sa naging libangan ang mga ito ay karamihan naman sa mga kalalakihan ay nalulong sa online sabong. Ang paglalive streaming ay mas pinadaling paraan upang makanood o makapusta ang mga manlalaro. Hindi na kailangang pumunta ng sabungan upang makataya at makanood ng sabong. Kalat dito sa Pilipinas ang mga naglalakihang sabungan. Matagal ng pinatigil ang operasyon ng ilang sabungan dito sa ating bansa kung kaya’t ang iba ay gumawa ng ibang paraan upang maituloy ang ang operasyon sa pamamagitan ng paglalive streaming.
Ang paglalive streaming ang pinaka madali at pinaka mabilis na paraan upang maituloy ang operasyon. Ang ibang naglalive streaming ay naging legal sa maikling panahon lamang. Mas pabor ito para sa mga mananaya dahil wala ng kahirap hirap ang panonood ng laban at pagpusta dito. Maraming mga links, apps at website upang makapanood ng live streaming sa online sabong. Maaari mo itong mapanood kahit ikaw ay nasa bahay lamang o kahit nasaang lugar. May mga live streaming na mapapanood din sa facebook. Ang iba ay naglalive ng libre ngunit karamihan sa kanila ay kailangan mo munang mag register bago makapasok o makapanood ng live. Agent ang nagbibigay ng mga links upang kayo ay makapagregister at makagawa ng sariling account. May mga hihingiin sa inyong mga personal na impormasyon tulad ng username, password, name, contact number at facebook account. Simula noong mga nakaraang taon ang mga online sabong o ang paglalive streaming ay mahigpit ng pinagbawal ni Pangulong Duterte. Pinatigil ang lahat ng operasyon ng sabong maging ang mga online sabong at paglalive streaming ng mga ito. Marami na kasing naiulat na mga negatibong balita tungkol sabong. Ang paglalive streaming ay maaari ring mapanood hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Kadalasan din sa mga mananaya ng online sabong ay ang ating mga ofw. Ito rin ay ginagawa nilang libangan o pang palipas oras lamang. Pinopost din nila ang mga nagdaang live o laban at maaari niyo itong mapanood sa youtube o di kaya sa kanilang mga website.