Ano nga ba ang WPC Online Sabong?
Noong unang panahon ay nauso na ang sabong sa iba’t – ibang parte ng Pilipinas lalo na sa mga probinsya. Naging libangan ito ng ilang mga pinoy at karamihan dito ay puro kalalakihan. Habang tumatagal ay naging sugal na ito at dito nagsimula ang pustahan o pagtaya sa 2 manok. Meron o wala ang pagpipilian ng mga mananaya. Noong una ay illegal ang sabong kung kaya’t lagi itong pinupuntahan ng mga pulis. Nang dahil sa sabong ay marami na rin ang nahuli at napasarang mga sabungan dito sa ating bansa. Di kalaunan ay natigil ang operasyon ng mga ito. Noong 2020 o kasagsagan at panahon ng pandemya, naging matunog at pumatok ang online sabong sa mga Pilipino. Unti – unting nagbalik ang sabong ngunit ito ay pinapatakbo sa online. WPC Online Sabong ang nauso at kinahumalingan ng mga kalalakihan dito sa atin. Ngunit ano nga ba ang WPC Online Sabong?
Ang WPC Online Sabong ay isang uri ng sabong na kung saan lahat ng mananaya o pumupusta ay nanonood lamang sa live o online. Naglalive ang mga ito upang mapanood ng mga mananaya ang actual na nangyayari sa loob ng sabungan. Meron o Wala ang pinagpipiliang tayaan ng mga manlalaro. Hindi na kinakailangang pumunta sa mga sabungan upang makataya. Mas pinabilis at pinadali ng WPC Online Sabong ang pagpupusta ng mga manlalaro. Ngunit anu – ano nga ba ang mga kailangan para makanood at makataya sa online sabong. Una, kailangan niyo munang maghanap ng mga legit na agent ng online sabong upang makapasok at makanood sa kanilang live. Trabaho ng agent na ipaliwanag sa inyo kung paano ang magiging takbo ng laban. Pangalawa, kailangan niyong maregister sa link na ibibigay sa inyo ng inyong agent. Pagkatapos niyong pindutin ang link ay may lalabas na form na kailangan niyong sagutan. Nilalaman nito ang mga personal na impormasyon tulad ng username, password, name, contact number at facebook account. Pagkatapos niyong sagutan ang mga ito ay pipindutin niyo ang submit na makikita sa ibaba. Sunod na iyong gagawin ay sasabihan mo ang iyong agent na iactivate na ang iyong account. May minimum bet ang bawat online sabong na iyong gustong tayaan. Merong 100 ang minimum bet meron din namang mas mataas pa dito. Kailangan niyong magbayad gamit ang gcash o di kaya ang bank account sa amount na gusto niyong iload sa inyo ng agent pagkatapos nito ay pwede na kayong manood o tumaya sa online sabong. Isa ang WPC Online Sabong sa mga legal na online sabong dito sa Pilipinas.