WPC Online Sabong Replay: Saan nga ba maaaring mapanood?
Noong mga nakaraang taon ay isa ang WPC Online Sabong sa naging libangan ng mga tao. Sa kasagsagan ng pandemya naging mahigpit ang gobyerno at pinatupad ang total lockdown. Apektado lahat ng negosyo pati na rin ang mga sabungan. Noong hindi pa nauuso ang online sabong lahat ng mananaya o mga pumupusta ay obligadong pumunta sa sabungan. Sa higpit ng mga kapulisan at ng gobyerno pinagbawalan lumabas ang mga tao. Dito naging patok at naging matunog ang online sabong. Dito mas pinadali at pinabilis ang pagtaya o pagpusta. Hindi mo na kailangang lumabas o pumunta sa mismong sabungan. Maaari ka ng makataya sa pamamagitan lamang ng panonood sa online. Ngunit paano at saan nga ba makakanood dito ng live at ng mga replay? Anu – ano ang mga kailangan upang makanood ng live o replay sa online sabong?
Karamihan sa mga online sabong ay naglalive sa kanilang mga official page at website. Karamihan din sa kanila ay madalas maglive sa facebook. Dahil nga ito ay pinapalabas sa online maaari din itong mapanood sa ibang bansa. Tumataya din sila gamit ang kanilang mga gcash. Naging patok ito dahil na rin sa mabilis dito magkapera. Ang iba ay nagtatanong kung saan nga ba pwedeng makanood ng mga nagdaang live sa online sabong. Ang replay ng live sa online sabong ay hindi na maaaring tayaan. Mapapanood mo lamang dito ang umaatikabong labanan ng 2 manok. Kadalasan sa mga replay ay pinopost sa youtube, facebook o sa kanilang official website. Full video ng laban ang pwedeng mapanood sa mga replay. Kung nais mong manood ng mga replay ay maaari mong itype ang online sabong replay at date kung kailan naglaban o naglive. Merong advantage at disadvantage ang online sabong. Ang advantage ng online sabong ay di ka na obligadong pumunta sa mismong sabungan at maaari mo na rin mapanood ang mga nagdaang laban. Mas pinadali at pinabilis din nito ang pagtaya. Ang disadvantage naman nito ay malaki ang posibilidad na mabilis malulong o mawili ang isang mananaya sa sabong dahil sa pinabilis na transaksyon nito. Ang ibang online sabong replay ay ginagamit din bilang content sa youtube. Sa bilis at high tech na natin ngayon ay mabilis na makahanap at makapanood ng mga online sabong replay. Sa replay pwede mong pag aralan ang takbo at proseso ng online sabong. Kung ikaw ay baguhan at wala pang masyadong idea sa sabong ay dito makakakuha ka ng mga idea at kaalaman tungkol sa online sabong.