Paano nga ba mag register sa WPC Online Sabong??
Bukod sa casino ay meron pang isang sugal ang kinahuhumalingan ngayon ng mga Pilipino. Sa nagdaang pandemic ay naging matunog sa social media ang online sabong. Naging libangan ito para sa karamihan lalo na sa mga kalalakihan. Tayong mga Pilipino ay nasanay sa kinamulatan natin na kung saan ang mga pumupusta o mananaya ay pumupunta pa mismo sa sabungan.Sa nagdaang taon naging mas high tech na at mas pinadali na lang ngayon ang pagtaya o pagpusta sa sabong. Hindi mo na kailangan pumunta sa mismong sabungan upang makataya. Noong nakaraang taon ay nauso at naging patok sa mga sabungero ang online sabong na kung saan ay pwede ka ng makataya o makapusta kahit na ikaw ay nasa bahay lamang. Noong pandemic ay naging libangan ito para sa karamihan ngunit para sa iba naman ay naging bisyo na ito. Paano nga ba makapagregister sa WPC Online Sabong?
Tulad ng ibang online games, kinakailangan niyo munang magregister upang makalaro o makataya sa online sabong. Para sa mga baguhan sa online sabong, sa pag register online ay kinakailangan niyo munang mag fill out ng mga personal na impormasyon tulad ng inyong pangalan, email address, contact number, username, password, source of income o trabaho, at pinaka importante sa lahat ay ang edad. Hindi sila tumatanggap ng mga mananayang 20 pababa o mga menor de edad. Edad 21 pataas ang maaari lamang magregister sa online sabong. May makikita o mababasa ka rin dito na agreement o kasunduan at kung ikaw ay sumang ayon dito ay ipaprocess na nila ang inyong registration. Kung ang steps na ito ay inyo ng natapos ay maghihintay lamang kayo ng ilang minuto kung ito ba ay naaprubahan o hindi. Kung ito ay aprubado na nila, ikaw ay maaari ng makapaglaro o makataya sa online sabong. Merong iba’t – ibang link ng mga online sabong. Iba’t – iba rin ang proseso ng mga ito sa pag register. Bago magregister ang mga manlalaro ay kailangan muna nilang maghanap ng link o website kung saan pwede silang makataya o makapusta. Para sa mga mananaya kinakailangan niyo rin magkaroon ng ilang idea kung paano nga ba ang proseso sa online sabong. Kung kayo ay baguhan lamang maging maingat sa paghanap ng link o website upang maiwasan ang maloko o mascam. Legal ang ibang sabungan o online sabong dito sa ating bansa ngunit karamihan din dito ay illegal. Maging mapanuri sa pagpili at sa pag register online upang maiwasan ang aberya o problema.